tariray's adventures

Sunday, May 15, 2005

Inggit ako kay Bojing

Inggit ako kay Bojing. Nuong mga bata pa kami sya ang paborito kasi sya ang bunso. "Bunsoy" kung tawagin sya ng Mommy namin. Sinusubuan sya pag kumakain, at laging sya ang kawawa pag nag aaway kami. Sya kasi lagi ang kinakampihan, ako lagi ang masama. Sya lagi ang malayang nakakapili kung aling kulay ng bagong biling damit ang kanya (laging kanya ang red, ang sa akin ay green), at kahit bertdey ko ay may regalo din sya. Kelangan ay lagi ko syang binabantayan dahil sya ang baby. Kahit gustong gusto kong kumanta noon, hindi pwede.. si Bojing lang ang dapat na kumanta, maganda kasi ang boses nya. As for me, magsayaw na lang daw ako.

Ito si Bojing habang kumakanta bilang isang contestant sa isang singing competition
Image hosted by Photobucket.com

Nung lumalaki na kami, si Bojing pa rin ang mabait. Masama nga daw kasi ugali ko. Sya ay mabait, tahimik at magalang. Hindi sya makulit, malikot at maingay na katulad ko. Wala syang magugulong kaibigan, at hindi sya lumalabas ng bahay. Mahilig din syang magdasal at muntik na rin syang magmadre kung ginusto nya. Sya ang masunuring anak, samantalang ako ang maldita.

Pero kahit inggit ako sa kanya, love ko pa rin ang kapatid ko. Ayokong may umaaway sa kanya o nananakit. At dibaleng maganda ang boses nya, at least magaling naman akong mag lip synch. Miss ko na ang kapatid ko, kasi wala na sya dito.. isa syang OFW, nagtatrabaho sa ibang bansa (talagang dakila si Bojing.. hehe).

Si Bojing abang nakiki-ayon kay Statue of Liberty
Image hosted by Photobucket.com

Kahit hindi kami laging magkasundo, gusto kong malaman nya na kahit anung request nyang pagkain ay iluluto ko para sa kanyang bertdey bukas. Happy Bertdey Bojing!!

Fun sa Kabayan

'Tis still summer, with the sun still fiercely lording it over... and though this entry is 2 weeks late, I'll still post it. The company outing is one activity that lets us enjoy work (at least on this activity you're still being paid for having fun! hehe). I didnt really think I would be joining the outing, thinking of other options to spend this day (as some chose to spend time at home). But since its still summer, and since its all paid for.. I chose to go! (Good choice!!) Some old people (READ: old in the company) still claimed that it was no fun, but I beg to disagree.. It's a person's choice if he /she will have fun or not... its something you decide upon even before the trip. So, though I had to work, the days before and after this outing.. I decided to have fun and I did!

During the bus ride.. feeling summer na ba??
Image hosted by Photobucket.com

With Roomie Jing and Roomie Me-anne
Image hosted by Photobucket.com

Parang nasa noontime show stage, already at the beach..
Image hosted by Photobucket.com

We couldn't resist doing this pose before we went home.. hehehe.. asa pa ko..
Image hosted by Photobucket.com

Saturday, May 14, 2005

My Friend Ruthie..

My Friend Ruthie is one of the best persons I know..
Image hosted by Photobucket.com

She's hardworking, honest and kind.
Hindi sya marunong magluto dati, pero ngayon naghahanda na sya pag birthday ni Jayson.


She seldom gets mad even if we tease her a lot.
Alam naman kasi nya na talagang malaki ang mata nya.

She always sees the better things in life.
Kahit inaapi na sya, na jujustify pa rin nya.

She loves her family and friends
Very good daughter ito, umuuwi pa rin sa kanila kahit na gubat na yung lugar nila. At kaming mga kaibigan ay inaaya din nya sa gubat pag pyesta (tsk tsk.. nakakamiss yung leche flan ni tita..)

She loves her husband
Eto po ay hindi ko talaga ma-explain..

She is a doting mom.
Talaga namang pipilitin na magsuot ng maong pants with matching belt ang anak na hindi pa nga nag wa-1 yr old.

Simpleng simple lang ang mga statement kong ito, pero malalim ang meaning nyan!

Ruthie has always been a friend whenever I needed her, and even though we're oceans apart.. not once have I felt that I lost my friend.

For you Ruthie, are wishes of love, health and happiness. Happy Birthday... I love you!!