tariray's adventures

Wednesday, October 12, 2005

Major Kwento

ETO ANG MAJOR KWENTO:

Hay naku mga bakla, alam nyo ba naaksidente ako last week! papasok ako riding the jipney traversing the SLEX (bandang southwoods). When suddenly nag break ang jip, syempre napausog kaming lahat paloob, nagkadaganan na! Dun ako nakaupo mga 3rd from the door kaya di ako masyadong naipit. Eh di akala ko nun yun na yun, ready na akong magalit sa driver... but no! di pa pala tapos, umikot ikot pa yung jip sa daan (buti di turn-turtle), humampas ulo ko sa bintana, buti bukol lang inabot! ginawa ko, kumapit na lang ako dun sa braso ng mama na katabi ko tapos dinikit ko yung ulo ko sa braso nya kasi ayokong makita yung nangyayari (buti wala syang anghit pero i doubt if maaamoy ko pa yun at that time). Pero naririnig ko talaga yung break, mga sumisigaw saka yung bakal na nagsscratch sa bakal. Nung tumigil na yung jip, yung front half nasa island, yung end half nasa southbound pa rin. Buti na lang din magaling ang driver namin at di kami nakatawid sa northbound. May mga injured samin, yung naipit sa loob saka yung mga nahampas dun sa backrest ng driver... kung tumawid sa northbound yung jip baka may namatay samin. As for me wala naman akong sugat, may mga pasa lang ako sa legs saka yung bukol ko sa ulo.

Pero di pa tapos ang kwento ko, kasi pagbaba ko ng jip may car sa gitna ng southbound lane, and about less than a meter from the car may girl na nakahandusay sa kalsada! I was one of the first ones to go out of the jip so when I went down, yung ibang passengers ng car di pa nakakababa. Apparently yung girl na unconcious sa road galing dun sa car, seating at the back of the driver. wala na yung door sa side nya, palagay ko napitpit sa dor ng driver. Di makalabas yung driver kasi deformed yung door nya tpos naiipit din cya ng manebela, airbag and dashboard nya. All the 4 other passengers ng car injured and bleeding, pero concious and walking lahat. Eh super in-shock pa ang lahat, ako nga nanginginig. pero after what seemed like a few mins, parang wala pa rin akong nakikitang gumagalaw o nagchecheck dun sa unconcious girl. eh di nilapitan ko na and kinuhanan ng pulso.. buhay pa. tapos sabi ko, "hey hey, are you OK?" ( hehe cyempre di ko na nasabi yun no! joke lang!) pero di ko ginalaw kasi kakaiba yung position nya baka may broken bones. Tapos, humingi sakin ng tulong yung isang girl na nasa car, dalhin daw sila sa ospital.. ayun medyo gumana na yung brain ko at hinanap ko ang celfon ko and tumawag ako sa ofcmate ko (kasi yung brother nya sa PNCC SLEX naka assign). Di ko pa nga mapindot yung cel kasi ayaw sumunod ng daliri ko, nanginginig.

Maya maya may dumating na mga army-- as in army clothes with matching armas.. Northbound kasi sila, it just so happened na andun sila at that time..eh di akala ko saved na.. ineexpect ko marunong sila mag first aid, emergency rescue etc..SUS! nagpopoporma lang dun!! tapos yung isa nakita ko pinulsuhan yung unconcious-- eh di nakahinga na ko ng maluwag kasi may aasikaso na dun sa injured! BUT NO!!! maya maya tinakpan niya ng t-shirt yung girl!! eh pwede ba namang less than 2 mins ko lang pinulsuhan yun eh ang lakas pa ng pulso tapos patay na kagad!!! Eh di nagsisisigaw ang lola nyo dun, sabi ko "BUHAY PA YAN, BUHAY PA YAN!!" ewan ko lang kung kasinglakas ng iniisip ko yung ineexecute ko na sigaw pero ang weird lang ng tingin nila sakin. Nung dumating yung PNCC nnilapitan ko nga at sinabi kong buhay pa yung girl at i-check nga nila ulit! Eh di yun, buhay pa nga! pang asar yung mga army-kuno na yun! Kundi pa dumating yung PNCC di naorganize yung diskarte sa mga injured pati sa mga sasakyang involved!! Grrrr talaga!

Apparently, yung car nila ay Northbound... ayun nakaidlip siguro at napatawid sa Southbound lane! Mukhang night gimmik clothes ang porma nila.. kung papasok sila dapat sa office dapat iba ang get-up nila.. Monday morning yun eh, mga 6:30.. buti talaga di ako natutulog sa jip and magaling yung jip driver. Sadly, namatay din daw yung girl 2 hrs after she reached the hospital. Grabe, natakot talaga ako. Buti yun lang ang inabot ko, may mga 6 na pasa ako sa legs.. siguro tumama nung umikot ikot yung jip.. i really dnt know.

Pasensya na kayo sa nobela ko, ngayon ko lang kasi naikwento.. up to now nininerbyos pa rin ako pagnakasakay sa jip. pero wala naman akong choice.

yun lang.. im just happy im still alive. ;) Iknow, ang masamang damo matagal mamatay pero wish ko when that time comes, ayoko ng distorted yung itsura ko or putol putol yung katawan ko.